Showbiz News

Get a chance to win up to Php 70,000 in GMA's 'Love Together, Hope Together Scan and Win Promo'

Kapuso, sali na sa Love Together, Hope Together Scan and Win Promo ng GMA para manalo ng up to Php 70, 000!

Lagi lang tumutok sa GMA at hintayin ang Love Together, Hope Together Scan and Win QR code na lalabas sa inyong paboritong Kapuso shows. I-scan ito gamit ang QR scanner ng iyong device para makakuha ng Kapuso Hearts.

Isang unique QR code lang ang lalabas kada episode ng isang programa na may katumbas ng isa hanggang limang Kapuso Heart/s. Ang isang participant ay maaaring makakuha ng maximum na 40 Kapuso Hearts kada araw.

Para makasali, i-download ang latest version ng GMA mobile application (version 5.0) sa inyong Android o iOs device via Google Play Store o Apple Store for free. Kung walang QR scanner ang iyong device, available ito sa GMA mobile app na makikita sa Kapuso Promos section.

Dalawangpu't isa ang mananalo ng tig-Php 10, 000, samantalang isa naman ang masuwerteng makakapag-uwi ng Php 70, 000.

Ang Love Together, Hope Together Scan and Win Promo ay magsisimula sa December 5, 2021 at magtatapos sa December 25, 2021.

Para sa kumpletong mechanics at iba pang impormasyon, bisitahin ang page ng Love Together, Hope Together Scan and Win Promo rito.