Showbiz News

GMA Affordabox at GMA Now, bongga ang promo price ngayong Pasko

Nag-iisip ka na ba kung ano ang magandang ipang-regalo sa isang taong mahilig manood ng teleseryes at movies?

Bakit di mo subukan ang GMA Affordabox o kaya naman ang GMA Now? Gamit ang mga ito, mapapanood niya na ang paboritong niyang Kapuso shows at movies nang mas malinaw, mas makulay at mas maganda kumpara sa analog TV.

A post shared by GMA Affordabox (@gmaaffordabox)

Ang ikiniganda nito, naka-promo price ang GMA Affordabox at GMA Now ngayon hanggang Dec. 31. Mabibili ang GMA Affordabox sa halagang P799, samantala ang GMA Now ay mabibili sa presyong P599 lang, kaya swak na swak itong Christmas gift para sa iyong sarili o sa iyong kaibigan at mga minamahal.

Ang GMA Affordabox ay ang digital TV receiver mula sa GMA Network. Sa pamamagitan nito, maaaring mapanood nang libre ang channels tulad ng GMA, GTV, I Heart Movies, Heart of Asia, Hallypop, DepEd TV, at iba pang free-to-air digital channels na available sa inyong area. May kasama pang exciting features tulad ng multi-media player at personal video recorder.

Ang GMA Now naman ay isang mobile digital TV receiver na maaaring i-plug sa inyong Android phone para makapanood ng live TV on the go for free.

Available ang GMA Affordabox sa piling locations sa Metro Manila, Benguet, La Union, Pangasinan, Bulacan, Pampanga, Nueva Ecija, Tarlac, Batangas, Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Ilocos Sur, Abra, Bohol, Cebu, Leyte, Bacolod (and adjacent areas), Davao de Oro, Davao del Sur, Davao del Norte, Misamis Oriental (including Cagayan de Oro City), Camiguin, Iloilo, Guimaras, Camarines Sur (including Naga City) at General Santos City.

Mabibili ang GMA Affordabox sa iba't ibang appliance stores at malls, o kaya naman online sa official GMA Store at sa Shopee at Lazada.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa www.GMAaffordabox.com at i-follow ang official social media accounts na @GMAaffordabox sa Facebook, Instagram at Twitter.

Ang GMA Now naman ay mabibili sa ilang piling shops sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Pampanga, Cavite, Laguna, Abra, Ilocos Sur, Baguio City, Pangasinan, Batangas, Metro Cebu, Metro Davao, Cagayan de Oro, Bacolod City, pati na sa Guimaras, Iloilo, Camarines Sur (including Naga City) at General Santos City.

Para sa iba pang detalye, bisitahin ang official site ng GMA Now o i-follow mga official social media accounts nito sa Facebook, Instagram, at Twitter. Mabibili rin ang GMA Now sa GMA Store, Shopee at Lazada.

Para sa mga katanungan tungkol sa GMA Affordabox at GMA Now, tumawag lang sa numerong (02) 8857-4627 o 0961-252-9393 between 8:00 a.m. at 10:00 p.m., o mag-email sa support@GMAaffordabox.com.