Showbiz News

Anthony Rosaldo, ibinahagi ang inspirasyon sa pagiging isang mang-aawit

By Aimee Anoc

Masayang binalikan ni Kapuso Pop Rocker Anthony Rosaldo ang inspirasyon niya simula nang maging isang mang-aawit.

Nakilala si Anthony nang sumali siya sa "Spogify feat Singing Baes" segment ng Eat Bulaga noong 2015. Sinubukan din ng Kapuso Pop Rocker ang suwerte niya nang sumali sa The Clash Season 1 noong 2018 kung saan napasama siya sa mga finalist.

"Ang inspirasyon ko kasi since I started being a singer is actually to really reach out to people and touch their lives through my songs. Thankfully, nagagawa ko naman siya even before I released my own composition (Tama Na) through the songs na na-release ko na through GMA Music," pagbabahagi ni Anthony.

Noong November 26, napakinggan ang bagong kanta ni Anthony, ang "Tama Na," na base sa sarili niyang karanasan sa pag-ibig.

Ayon kay Anthony, pangarap niyang magkaroon ng hit song na mamahalin ng marami. "Kasi end goal ko sa aking singing career is to have a hit song na magiging song ng maraming household.

"Maraming makakakanta at later on kahit mawala ako, mayroon akong legacy na maiiwan. I think the best way to accomplish that is to write a song na galing talaga sa aking personal experience. Ito na 'yon."

Inamin ni Anthony na hindi siya nahirapang isulat ang "Tama Na" dahil tuloy-tuloy ang kanyang naging pagsusulat.

"I think there's a magic in the song "Tama Na" because hindi ako nahirapang isulat siya. When the inspiration came up tuloy-tuloy 'yung pagsusulat," sabi niya.

Patuloy na mapapakinggan ang bagong kanta ni Anthony na "Tama Na" sa lahat ng digital music streaming platforms.

Mas kilalanin pa si Kapuso Pop Rocker Anthony Rosaldo sa gallery na ito: