GMA Logo Sef Cadayona
What's Hot

Sef Cadayona stays a Kapuso!

By Jimboy Napoles
Published December 10, 2021 2:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Something soft, something long, something shiny: 7 Christmas gift ideas for different categories
Italian resto opens in Molito; promises 'refined but unpretentious' food
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'

Article Inside Page


Showbiz News

Sef Cadayona


Kapuso pa rin ang 'Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento' star na si Sef Cadayona!

Sef Cadayona is a proud Kapuso!

Ito ang pinatunayan ng aktor matapos siyang mag-renew ng kontrata sa GMA Artist Center kamakailan. Nagpapasalamat ang aktor sa tiwala at suporta na ibinibigay ng GMA Network sa kaniya mula nang nag-uumpisa pa lamang siya hanggang sa ngayon na marami na siyang pinagbibidahang proyekto.

A post shared by GMA Artist Center (@artistcenter)

"Gusto kong sabihin na very grateful ako sa GMA, not just with what I have now pero kung ano yung nakuha ko all throughout simula nung nagsimula ako," kuwento ni Sef.

Marami raw oportunidad na ibinigay sa kaniya ang home network na naging daan upang maging makulay ang kaniyang Kapuso journey.

"Ang daming binigay na opportunities sa akin parang noong nagsisimula ako sabi ko gusto kong makatrabaho si ganito, si ganiyan, sana mapabilang ako sa show na ganito...'nung time na nangarap ako...through the years natutupad at nabibigyan ako ng opportunities ng GMA," aniya.

Dagdag pa niya, "kaya I couldn't be any more grateful na talagang hanggang ngayon nandito ako may tiwala ang GMA sa akin at buong puso ko 'binigay kung anong meron ako sa GMA din."

Nagsimula ang showbiz journey ni Sef sa reality talent search na StarStruck, kung saan naipakita ng aktor ang kaniyang talento sa pag-arte at pagsayaw. Pagkatapos nito ay nabigyan na siya ng oportunidad na maging bahagi ng ilang mga programa sa GMA.

Ngayon, isa na si Sef sa regular cast members ng comedy gag show na Bubble Gang na 25 taon nang nagpapasaya ng mga Kapuso. Siya rin ang lead star ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento bilang si Pepito Manaloto na unang ginampanan ni Michael V. o ni Bitoy.

Nagpapasalamat din si Sef sa mga taong tumulong at gumabay sa kaniya upang mas lalong mahubog ang kaniyang talento. Sa ngayon, bukod sa pagpapasaya, plano rin ni Sef na mas pag-ibayuhin pa ang kaniyang talento sa hosting.

Congratulations, Sef!

Samantala, mas kilalanin pa si Sef Cadayona sa gallery na ito: