GMA Logo rita daniela and ken chan
What's Hot

Rita Daniela reacts to 'best actress' remark, reveals she almost quit showbiz

By Jansen Ramos
Published December 15, 2021 7:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

12-hour brownout in areas of Iloilo City set on Dec. 7, 2025
How Innovation is Transforming Healthcare
Miss Cosmo Philippines Chelsea Fernandez lights up the runway with red swimsuit

Article Inside Page


Showbiz News

rita daniela and ken chan


Ayon kay Rita Daniela, answered prayer ang pagdating ni Ken Chan sa kanyang buhay kung kailan dumating siya sa puntong malapit na siyang sumuko sa showbiz: "Kaya ko talagang sabihin kay Lord na, kung hindi siya, huwag na."

Marami ang pumuri sa Kapuso star na si Rita Daniela sa ipinakita niyang performance sa launching movie nila ng love team niyang si Ken Chan na Huling Ulan Sa Tag-araw. Official entry ang romantic film sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021 ngayong taon.

Dito ay lumalabas siya bilang si Luisa, isang bar singer, na mahuhulog ang loob sa isang seminaristang malapit nang magpari na si Luis, ginagampanan ni Ken.

Hindi tuloy maiwasan na hingan ng reaksyon si Rita ng press sa red carpet premiere ng Huling Ulan Sa Tag-araw noong December 13 kung sakaling masungkit man niya ang coveted best actress award sa MMFF.

Tugon ng magaling na aktres, sa kanya man igawad o hindi ang pinakamataas na acting award, malaking bagay na kabilang sa MMFF ang kanilang pelikula.

Ika ni Rita, "Sa totoo lang, alam n'yo po no'ng nalaman namin na pasok po 'yung pelikula namin sa MMFF, hindi na po kami naghahangad ng kung ano pa kasi the fact na nakasama kami sa Magic 8 na tinatawag, sobrang grabe na 'yung blessing na 'yon, as in."

Sa Laguna ang main location ng Huling Ulan Sa Tag-araw na sinasabing unang pelikulang kinunan sa panahon ng pandemya noong 2020.

Patuloy ni Rita, "Sinasabi namin, it's been two years, kailan pa po ba namin mapapanood 'yung pelikula tapos biglang pasok siya sa MMFF. Pero sa 'kin naman po kung will din ni Lord talaga, if He thinks that my character is ready to receive an award like that then thank you so much Lord.

"Then kung hindi naman din po, wala naman pong issue kasi po napakagaling, napakahusay po lahat ng mga aktor po na kasama sa MMFF and sobrang special po nito talaga."

Ken brings out the best in Rita

Hindi natapos ang pahayag ni Rita nang hindi nagbibigay-pugay sa kanyang on-screen partner na si Ken.

Dugtong niya, "I just wanna honor Ken, my partner, not just on screen but also in life. I dont think I'd be able to portray something like that and I'd be able to act that way kung hindi siya yung kasama ko."

Ayon kay Rita, answered prayer ang pagdating ni Ken sa kanyang buhay kung kailan dumating siya sa puntong malapit na siyang sumuko sa showbiz. Matatandaang sa 2018 GMA afternoon series na My Special Tatay unang nakita ang kanilang unexpected chemistry.

Ani pa ni Rita, "Totoo po ito, nagdadasal po ako kasi, 'di ba, dati magpapaalam na po ako dapat sa showbiz tapos nagdasal ako, Lord kung para po ako dito sa showbiz, sige po, push po natin 'yan.

"Tapos nagdasal ako ng, 'Lord, bigyan n'yo po ako ng tamang tao around me.' And then kanina po iniisip ko habang pinapanood ko po 'yung pelikula, paano kung hindi si Ken 'yun?

"And I'm just really, really grateful kasi I'm experiencing this moment with him kasi kung hindi siya, kaya ko talagang sabihin kay Lord na, kung hindi siya, huwag na.

"Alam naman po ng lahat kung gaano kahusay na aktor si Ken Chan kaya hindi rin po ako gano'n makakapagbigay ng trabaho kung hindi rin po mahusay 'yung kaeksena ko so I just want to honor and thank him for everything."

Ipapalabas ang Huling Ulan Sa Tag-araw sa December 25 sa mga piling sinehan nationwide.

Samantala, narito ang iba pang Kapuso stars na mapapanood sa prestihiyosong MMFF ngayong taon: