TV

Alden, may surprise sa mga fans ng 'Indio'



Napanood natin last week ang pagganap ni Alden Richards bilang batang Indio at marami ang nabitin sa kanyang mga eksena sa epicserye. Dahil dito, may sorpresang niluluto ang Kapuso hunk para sa kanyang mga fans at sa mga fans ng top-rating primetime series.

Nakausap ng GMANetwork.com si Alden Richards sa taping ng Sarap Diva, kung saan isa siya sa mga guests sa Valentine’s Day episode nito. Kinamusta namin ang young actor at pinuri sa kanyang pagganap as the young Bong Revilla sa show na Indio.

“Masayang-masaya po ako, very fulfilled po ako na naging part po ako ng isang napakalaking project ng GMA. At saka it is an honor to work with Senator Bong Revilla, si Ate Jen (Jennylyn Mercado), Maxene [Magalona], of course, Direk Dondon Santos na napakabait at sobrang supportive."

“Sobrang natutukan talaga ang every scene at every role. Walang maliit at malaki kay Direk; lahat kailangan equal treatment kaya ang ganda, ganda, ganda ng Indio. Sana sinusuportahan n’yo pa rin po ito hanggang ngayon,” ang mahaba at excited na sagot sa amin ni Alden ng kinamusta namin ang kanyang experience sa Indio.

Nabanggit din namin na marami sa mga Kapuso viewers ang nabitin sa kanyang pagganap. Almost three days silang napanood ni Bea Binene (as the young Rosa) sa Indio. May chance kaya na bumalik sila sa show?

“Parang kulang daw po ang two days for Bea and Alden. ‘Ibalik natin sila, lagyan natin ng konting flashback so kahit papaano active pa rin sila sa epicserye,’” ang masayang kuwento ni Alden about GMA’s reaction to their portrayal.

This is great news sa mga Aldenatics at mga loyal supporters ng young Kapuso hunk. Sinabi din niya na aside from Indio, may dapat din tayong abangan na isang project na gagawin niya sa GMA ngayong taon.

”Hindi ko pa puwedeng i-reveal yung title and cast, pero I’m sure isa na naman itong masterpiece ng GMA."

Ano kaya ang magandang sorpresa ni Alden? Keep visiting GMANetwork.com for the latest updates. -- Loretta Ramirez, GMANetwork.com