GMA Logo ken chan rita danila and louie ignacio holding the trophy
Photo from CinemaBravo (FB)
What's Hot

Ken Chan and Rita Daniela-starrer 'Huling Ulan sa Tag-araw' wins best original theme song at MMFF 2021

By Jansen Ramos
Published December 28, 2021 11:12 AM PHT
Updated December 28, 2021 5:10 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - House representatives file resolution to investigate death of former DPWH Usec. Cabral (Dec. 22) | GMA Integrated News
Drunk man drowns at Digos beach
Farm to Table: (December 21, 2025) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

ken chan rita danila and louie ignacio holding the trophy


Ang direktor ng 'Huling Ulan Sa Tag-araw' na si Louie Ignacio ang sumulat at nag-compose ng theme song ng pelikula na pinamagatang 'Umulan Man o Umaraw.'

Iginawad sa pelikula nina Ken Chan at Rita Daniela na Huling Ulan Sa Tag-araw ang best original theme song sa katatapos lang na 47th Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Pangaral na ginanap sa Samsung Hall, SM Aura Premier sa Taguig kagabi, December 27.

Tinanggap ang award ng direktor ng Huling Ulan Sa Tag-araw na si Louie Ignacio na siya ring sumulat at nag-compose ng theme song ng pelikula na pinamagatang "Umulan Man o Umaraw."

Kasama niyang umakyat sa stage ang mga bida ng rom-com movie na sina Ken at Rita para magbigay ng suporta sa kanilang direktor.

A post shared by ᴋᴇɴ ᴄʜᴀɴ | ᴋᴇɴᴅʏ'ꜱ (@sweetaskendys24)

Ang Huling Ulan Sa Tag-araw ay debut film nina Ken at Rita matapos ang kanilang tatlong taon pagtatambal sa telebisyon. Prinodyus ito ng Heaven's Best Entertainment.

Sa pelikula, lumalabas si Ken bilang Luis, isang seminarista na malapit na mag-pari, samantalang si Rita ay lumalabas bilang Luisa, isang bar singer.

Masusubok ang debosyon ni Luis na pasukin ang buhay-relihiyoso nang mahulog ang kanyang loob kay Luisa.

Mapapanood ang Huling Ulan Sa Tag-araw sa mga piling sinehan nationwide.

Samantala, narito ang iba pang Kapuso stars na mapapanood sa prestihiyosong MMFF ngayong taon: