Showbiz News

Ken Chan at Rita Daniela, pinatawa at pinaiyak ang viewers ng MMFF 2021 movie nilang 'Huling Ulan Sa Tag-araw'

By Jansen Ramos

Magagandang reviews ang bumungad sa mga bida ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021 movie na Huling Ulan Sa Tag-araw na sina Ken Chan at Rita Daniela.

Ayon sa viewers ng romantic-comedy film, parehong pinatawa at pinaiyak sila ng RitKen.

Pinuri nila performance ng Kapuso love team sa pelikula kung saan lumalabas si Ken bilang Luis, isang seminaristang malapit na magpari, samantalang si Rita ay si Luisa, isang bar singer.

Worth it daw ulit-ulitin ang Huling Ulan Sa Tag-araw dahil punong-puno ito ng emosyon. Sa pelikula, humahanap ng sign si Luis at doon niya nakilala si Luisa. Base sa trailer, mahuhulog ang loob ng seminarista sa performer nang pumunta sila sa probinsya.

Gabito rin ang komento ng Twitter user na ito na sinabing "walang tapon" ang mga eksena sa Huling Ulan Sa Tag-araw.

Bukod kina Ken at Rita, pinuri rin ang cinematography ng pelikula.

Sa tweet na ito, tinawag pang "masterpiece" ang Huling Ulan Sa Tag-araw na mula sa direksyon ni Louie Ignacio.

Nasungkit ng Huling Ulan Sa Tag-araw ang best original theme song sa katatapos lang na 47th MMFF Gabi ng Parangal.

Ang theme song nitong "Umulan Man o Umaraw" ay sinulat at kinompose ng direktor ng pelikula na si Louie, at inawit ng female lead nitong si Rita.

Mapapanood ang Huling Ulan Sa Tag-araw sa mga piling sinehan nationwide.

Samantala, narito ang iba pang Kapuso stars na mapapanood sa MMFF ngayong taon: