Showbiz News

Alden, Derrick, and Benjamin talk about their love lives



Kasabay nang paglabas ng magazine cover nina Alden Richards, Derrick Monasterio, and Benjamin Alves ay ang paglabas ng isyu tungkol sa kanilang mga love life. Sa H.O.T. TV interview sa kanila ni Jennylyn Mercado, nagsalita ang mga Kapuso actors tungkol sa mga babaeng nali-link sa kanila ngayon.

Alden was first on the hot seat, pagkatapos i-reveal ni Jennylyn na binigyan ng isang young diva si Alden ng dark chocolates last Christmas. "Of course masaya kasi kaunti lang din 'yung nareceive kong gifts noon Christmas. Happy naman ako na nabigyan ako," sagot ni Alden when asked about how he felt when he got the gift.

Ano naman ang masasabi niya sa sagot ni Julie Anne San Jose na 'Ok lang' nung tanungin ito kung crush ba niya si Alden? "Siguro okay lang na 'the feeling is mutual' between her and me. I'm just so happy to be in Julie Anne's company and we're very comfortable [with each other]."

Si Derrick naman, pinagluluto daw ng pasta ang isang tween star kapag binibisita niya ito sa bahay. "Mahilig kaming dalawa kumain, 'yun 'yung bonding namin. And siguro mas gusto lang po namin na sa bahay na lang gawin kaysa sa labas."

When Jennylyn revealed na si Barbie Forteza ang tween star na tinutukoy niya, tinanong niya si Derrick kung ano ang intention nito sa dalaga at lagi niya itong hatid-sundo. "'Yun po naman talaga 'yung ginagawa ng lalaki sa babae. Dati po kinonsider ko 'yang panliligaw na 'yan pero na-realize ko na mas matimbang 'yung friendship namin. Parang I would rather have her as a friend forever than to lose her in a breakup. Mas gusto kong mas matagal 'yung pagsasama kaysa mawala na lang ng bigla-bigla," he explains.

Huling ginisa ni Jennylyn ang Unforgettable star na si Benjamin. Niligawan nga ba niya ang kanyang Coffee Prince partner noon na si Max Collins? "No I'm not dating her. I guess during the time when we were in Coffee Prince we were really close. But I think the same with Derrick, when I began to consider it, mas tinitimbang ko 'yung friendship kasi I really couldn't invest time with somebody so hindi ko talaga siya pinursue. Nakakahiya naman po sa babae na i-date mo para masabi mo lang na na-date mo," shares Benjamin.

Catch Alden, Derrick, and Benjamin in Party Pilipinas every Sunday. Mapapanood din si Derrick sa Paroa: Ang Kuwento ni Mariposa, weekdays after Smile Dong Hae, at si Benjamin sa Unforgettable, simula February 25, sa GMA Afternoon Prime. Don't forget to grab a copy of the February issue of Garage magazine with Alden, Derrick, and Benjamin on the cover! -- Michelle Caligan, GMANetwork.com