GMA Logo Kapuso Countdown 2022
What's Hot

Kapuso Countdown 2022, mamaya na!

By Beatrice Pinlac
Published December 31, 2021 7:00 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Cebu welcomes Christmas Day peacefully
Britain’s King Charles lauds unity in diversity in his Christmas message

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso Countdown 2022


Magniningning ang simula ng bagong taon sa 'Kapuso Countdown 2022.'

Salubungin ang kumikinang na bagong taon kasama ang inyong mga paboritong artista sa Kapuso Countdown 2022 mamayang gabi na, December 31, 10:30 p.m.

Abangan ang samu't saring mga performances at pasabog na handog ng mga Kapuso stars tulad nina Alden Richards, Bea Alonzo, Julie Anne San Jose, Rayver Cruz, at Christian Bautista.

Magpapakitang gilas din sa entablado sina Sanya Lopez, Bianca Umali, Ruru Madrid, Kyline Alcantara, Mavy Legaspi, Gabbi Garcia, Khalil Ramos, at marami pang iba.

Bukod sa tuloy-tuloy na biritan at sayawang magaganap sa Kapuso Countdown 2022, ibubunyag na rin sa mundo ang nakasasabik na sorpresang inihanda ng GMA Artist Center para sa makulay na bagong taon.

Mayroon ding nakalinyang pasilip sa kalidad na produksyon ng pinakaaabangang na sci-fi serye na Voltes V: Legacy.

Pahayag ni direk Mark Reyes, "In the past two years, dalawang teaser ang nilabas natin [sa] New Year so naging tradition [na ito]. This year, I told production, 'Let's give them more.' Finally, they will get to see the costumes, characters, may surprise teaser.”

Huwag palalampasin ang pagkakataon na makisaya sa Kapuso Countdown 2022 mamayang gabi na, 10:30 p.m. sa GMA Network. Maari rin itong mapanood sa GMANetwork.com at sa GMA Pinoy TV.

Samantala, kilalanin dito ang mga Kapuso stars na kabilang sa New Year salubong ng GMA mamaya.