Showbiz News

Kyle at Mona Louise, mag-aagawan sa atensyon ni Mark Anthony

Sa ikalawang linggo ng Bukod Kang Pinagapala, hindi maiiwasang mag-agawan sa atensyon ng ama ang anak ni  Bessie  (Camille Prats) na si Lizzie (Kyle Ocampo) at si Lara (Mona Luise Rey) , ang iniwang anak ni Janet (Jackie Rice) na aampunin naman ni Ofelia (Jennica Garcia).

Lingid man sa kaalaman ni Leandro na si Lara ay anak nila ni Janet, hindi maitatanggi ang pagiging malapit niya sa bata na magiging dahilan upang magselos ang mag-inang Bessie at Lizzie. Mas lalong mapapalayo ang loob ni Leandro kay Lizzie dahil sa pagiging spoiled nito samantalang mas magiging malapit siya kay Lara na may hilig sa pagtatanim tulad niya.

Dahil sa paglaki ng problema, papayuhan ni Raquel (Anna Marin) si Bessie na paalisin na sina Lara at Ofelia sa farmhouse. Magpapabuyo kaya si Bessie sa plano ni Raquel?

Malalagay naman sa peligro ang buhay nina Lizzie at Lara dahil sa pagpilit ni Lizzie na mamangka sila. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay tataob ang bangka. Agad namang makikita nina Leandro ang dalawa pero magagawa ba niyang iligtas ang mga bata?

Ito na kaya ang magiging dahilan upang magkahiwalay ng landas sina Lizzie at Lara? Tuluyan na kayang palayasin ni Bessie sina Ofelia dahil sa nangyaring aksidente? At ano kaya ang gagawing hakbang ni Leandro upang matapos na ang gulo sa farmhouse?

Hindi dapat palampasin ang mga kaabang-abang na mga eksena ngayong linggo sa Bukod Kang Pinagpala pagkatapos ng Yesterday’s Bride sa GMA.