Showbiz News

Yasser Marta, may mensahe para sa mga taong ayaw magpabakuna kontra COVID-19

By Aedrianne Acar

Patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa at kahapon lamang ay naitala ng Department of Health ang karagdagang 17,220 new cases. Tumaas din ang positivity rate na nasa 36.9%.

Sa panayam kay Yasser Marta, pinayuhan niya ang mga Kapuso na mas makabubuti sa ating lahat na maging protektado sa nakakahawang sakit na ito, kung magpapa-booster na rin ang lahat.

Ayon sa former One Up member, naging maayos naman ang naging lagay niya pagkatapos niya makuha ang kanyang booster shot ngayong linggo.

Kuwento ni Yasser sa GMANetwork.com, “Ako ang ginawa ko agad nung isang araw kaka-booster shot ko pa lang, medyo napraning din ako, pero naisip ko lang, baka dahil din sa booster, [baka] malakas 'yung booster.

“Parang nanghina lang 'yung pangangatawan ko, pero now, nung pagkagising ko kanina, okay na ako.”

Dagdag niya, “Kung ano 'yung kailangan natin kunin na vaccine o booster para sa sarili natin at sa pamilya natin, mas mabuting alam n'yo 'yun na magpa-vaccine na tayo."

Nag-iwan din siya ng mensahe para sa mga tao na hanggang ngayon ay ayaw pa rin magpabakuna, kahit dalawang taon na tayo nasa isang pandemya.

Paalala ni Yasser, “Alam n'yo pag-vaccinated kayo ang daming puwedeng benefits na puwede makuha, lalo sa binibigay ng government natin ngayon.

“Lalo ngayon, 'pag hindi ka vaccinated, hindi ka na puwede lumabas. Para makita n'yo 'yung mga mahal n'yo sa buhay na mas healthy.”

“Huwag kayo matakot, dahil ang dami namin ngayong vaccinated na and bago nga matapos 'yung 2021 gumaganda na 'yung mga cases, bumababa na.” ani Yasser.

“Pero ang pinakamahalaga talaga ilang mga scientists at experts ang gumawa niyan at nagsabi na safe ito. Magpa-vaccine na po tayo.”

Heto ang mga artista na bakunado na kontra sa COVID-19: