Showbiz News

Alden Richards magpapakitang gilas sa I-Bilib


Ngayong Linggo (Pebrero 24) ng gabi, humanda na sa mga nakakamanghang experiments sa I-Bilib kasama sina Chris Tiu at Moymoy Palaboy. Hindi rin dapat palampasin ang pagpapakitang gilas ng ating guest I-Biliber na si Alden Richards.

Para sa unang Do U Bilib Experiment tunghayan kung paano gawin ang Blooming Paper Flower kung saan ang papel ay kayang mamukadkad na parang tunay na bulaklak.

Hindi rin pahuhuli sa tibay ang papel na kayang buhatin ang isang baso. Ano nga kayang meron sa isang papel upang makaya nito ang bigat ng baso?

Talaga namang unbilibabol ang ating Bilibabol experiment dahil sasabog na ang Soda Bottle gamit ang misteryosong kemikal.

Sa Show and Tell, papakitaan tayo ng ating ka-IBiliber na si Alden kung paano lulusot o papasok ang one peso coin sa mas maliit na butas ng index card. Isa kaya itong trick o experiment?

Abangan ang lahat ng ‘yan ngayong Linggo sa I-Bilib pagkatapos ng 24 Oras Weekend.