GMA Logo Gina Pareno and Sofia Pablo
Photo by: Wish Ko Lang
What's Hot

Gina Pareño at Sofia Pablo, gaganap na maglola at magkaklase sa 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published January 13, 2022 3:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

HPG officer relieved after mauling patrolman
Ika-169 nga kaadlawan sang Ilonggo nga baganihan nga si Graciano Lopez Jaena, ginakomemorar
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Gina Pareno and Sofia Pablo


Abangan ang nakaaantig na pagganap nina Gina Pareño at Sofia Pablo ngayong Sabado sa 'Wish Ko Lang.'

Tunay na wala sa edad ang pagkamit ng mga mithiin sa buhay. Iyan ang pinatunayan ng isang lola na nakapagtapos ng senior high school sa edad na 62.

Ngayong Sabado sa Wish Ko Lang, bibigyang buhay ni Gina Pareño ang kuwento ng pagsusumikap ng isang lola matupad lamang ang pangarap na makapagtapos ng pag-aaral. Pero hindi naging madali ang inaakala niyang simpleng pangarap.

Sa pagbabalik eskuwela, magiging kaklase ni Gina ang apong si Sofia Pablo. Magiging dahilan kaya ito para ikahiya siya ng sariling apo?

Makakasama rin nina Gina at Sofia sa "Lola" episode ng bagong Wish Ko Lang sina Dexter Doria, Barbara Miguel, Vince Crisostomo, Hailey Mendez, Lime Aranya, at Lia Salvador.

Huwag palampasin ang nakaaantig na kuwento ng pagsusumikap at pagkamit ng pangarap ngayong Sabado, January 15, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, mas kilalanin pa si Sofia Pablo sa gallery na ito: