GMA Logo Kylie Padilla and Rayver Cruz
Source: kylienicolepadilla and rayvercruz (Instagram)
What's Hot

Kylie Padilla at Rayver Cruz, balik-tambalan para sa isang bagong serye

By Jimboy Napoles
Published January 20, 2022 12:25 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LIVE - Simbang Gabi | December 16, 2025
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Kylie Padilla and Rayver Cruz


Taong 2015 nang huling magtambal sina Kylie Padilla at Rayver Cruz para sa isang pelikula.

Fresh mula sa kanilang mga sariling TV projects, magbabalik tambalan ngayon ang aktres na si Kylie Padilla at Kapuso hunk actor na si Rayver Cruz.

Sa 'Chika Minute' report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ibinahagi ni Kylie ang kanyang excitement para sa bagong serye kasama si Rayver kung saan gaganap siya bilang isang billiard genius.

Kuwento ni Kylie, "Nakaka-excite kasi okay kasama si Rayver, e. Masayang tao rin naman siya. Hindi ba kapag ganyan, matagal-tagal mong makakasama 'yung tao so kailangan jive kayo."

Kamakailan ay muli ring nagtambal sina Kylie at ang dati niyang onscreen partner na si Ruru Madrid sa first episode ng Regal Studio Presents ngayong 2022 na "My Fairytale Hero."

Gumawa rin daw ng isang matapang na vlog sina Kylie at Ruru na dapat abangan ng KyRu fans.

Aniya, "Nae-excite ako para sa vlog na 'yun kasi may deeper ano siya e, we went deeper than just you know, nagpapakilig kami and napag-usapan talaga namin lahat nakakatuwa."

Dagdag pa niya, "Oo ganun [no holds barred] siya. Hindi ko alam kung ano'ng ilalabas niya [Ruru Madrid]."

Panoorin ang teaser ng vlog na ito, DITO:

Samantala, silipin naman ang mga larawan ng ilang ex-celebrity couples at ang kanilang mga reunion projects sa gallery na ito: