
Bagong inspirasyon daw ngayon ni Asia's Multimedia Star Alden Richards upang lalong magsumikap ay ang kanyang mga iskolar.
Sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho (KMS) nitong Linggo (January 23) ipinakilala ang mga kabataang tinutulungan ni Alden upang makapag-aral.
Kabilang dito sina si Maria Elena Miguel na pitong taon niya nang iskolar at ang ina ay may sakit sa puso, si Niño Dayon na putol ang mga braso at si Marvelou De Guzman na anak ng single parent na manikurista. Bukod sa kanila, nakapagpatapos na rin si Alden ng dalawang estudyante.
Ito raw ang naging dahilan ng aktor upang itatag ang AR Foundation na may layong makapagbigay ng scholarship sa mga kabataang higit na nangangailangan.
Kuwento ni Alden, "When it comes to education kino-consider ko siya na investment ko to change people's lives. That's the most precious gift you can give to someone na dadalhin nila in their lifetime."
Hindi rin napigilang maging emosyonal ni Alden nang mapanood ang mensahe at pasasalamat ng kaniyang mga iskolar na ipinadala sa kanya sa pamamagitan ng KMJS.
"Wala akong masabi, parang helping these kids is worth a lifetime for me kasi yung vision ko for them 'yung dating ako I was able to save these kids from that moment," naluluhang sinabi ng aktor.
Ang mga iskolar ni Alden ang magiging mga benepisyaryo sa paparating niyang docu-concert na 'ForwARd: Meet Richard R. Faulkerson, Jr.' na mapapanood na sa darating na January 30.
Para bumili ng tickets at makatulong sa mga iskolar, pumunta lang sa: https://ticket2me.net/e/34360
Ma-inspire sa kuwento ni Alden at ng kanyang mga iskolar, sa video na ito:
Samantala, mas kilalanin pa si Alden Richards sa gallery na ito: