Showbiz News

Aljur Abrenica papasok sa pinaka-engrandeng drama series ng Kapuso Network na Indio


Muling ipapakita ng Kapuso actor na si Aljur Abrenica ang kanyang matikas na katawan at galing sa pag-arte sa pagganap niya sa karakter naBagandi, isang datu ng maliit na banwa sa Indio.
 
Ayon sa aktor, sumailalim siya sa mga workshops at physical trainings para sa kanyang role sa nasabing programa. “Pinaghandaan ko talaga ang role ko dito sa Indio saka sumailalim rin ako sa workshops dahil kailangang makipagsabayan ako sa mga malalaking artista na bahagi nitong napakalaking programa na Indio” dagdag niya.
 
Ano kaya ang papel ni Bagandi sa buhay ni Simeon? Isa ba siyang kaibigan o kaaway?
 
Abangan sa INDIO, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA.