Showbiz News

Garrett Bolden, pangarap na makapag-release ng international single

By Aimee Anoc

Isa sa pangarap ni Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden ngayong 2022 ay ang makapag-release ng international single sa ilalim ng GMA Music.

"Marami-rami na akong naisulat na kanta pero recently I've been trying to write English songs kasi mayroon akong naging goal. Gusto kong makapag-release ng kanta internationally," pagbabahagi niya.

Sa press interview, ibinahagi rin ni Garrett na nais niyang subukan ang pag-arte.

"Opo naman, I want to explore the world aside from singing. Gusto kong maging host, matutong mag-host at acting din po. It's something that really wonders me rin," sabi niya.

"Alam ko it's a great field to learn a lot of things kasi ang acting naman hindi lang naman pag-arte sa teleserye at pelikula, magagamit mo rin siya sa pagkanta tulad ng theater."

Samantala, muli tayong paiibigin ni Garrett sa bago niyang hugot song, ang "Pwede Pa Ba," na mapapakinggan simula January 28 sa Spotify, YouTube Music, Apple Music, at sa iba pang digital streaming platforms worldwide.

Mas kilalanin pa si Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden sa gallery na ito: