Showbiz News

My Husband in Law: Moi's fighting spirit

By EJ Chua

Sa mas tumitinding mga tagpo sa My Husband in Law, kapansin-pansin na mas natututo na si Moi na maging palaban sa bawat problemang kinakaharap niya bilang asawa ni Tien.

Kung noon ay sunod lamang siya ng sunod sa desisyon ng iba para sa kanyang buhay, ngayon ay mayroon na siyang paninindigan.

Tulad na lamang ng pagkompronta niya kay Nadia, ang babaeng habol ng habol kay Tien.

The desperate woman vs the legal wife

Nasundan pa ito ng ilang matitinding eksena dahil ayaw nitong tigilan ang kanyang asawa.

Habang nagkakasiyahan sa isang resto bar, napansin ni Moi na tila may balak na namang manggulo si Nadia.

Agad niya itong kinausap at ipinamukha niya rito na kahit ano pa ang mangyari ay poprotektahan niya ang kanyang asawa.

Isiniwalat niya rin ang matagal na niyang sikreto na seryoso at malalim ang pagtingin niya para kay Tien.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, narinig ni Tien ang lahat ng sinabi ni Moi.

Moi's true feelings for Tien

Paglalaruan pa kaya ni Tien ang damdamin ni Moi ngayong alam na niya ang buong katotohanan?

Seseryosohin na kaya nina Tien at Moi ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa?

Abangan ang kasagutan sa mga susunod na tagpo sa My Husband in Law, Lunes hanggang Huwebes, 10:20 p.m. sa GMA Telebabad.

Samantala, kilalanin ang Thai stars na napanood sa iba't ibang television series na inihandog ng Heart of Asia sa gallery na ito: