Showbiz News

Bagandi, kaaway o kakampi?



Nagkita na sa wakas si Malaya at Bagandi. Ano ang magiging papel ng katutubo sa mundo ni Indio? Alamin natin mula kay Bagandi himself, Aljur Abrenica in this exclusive interview.

Marami ang natuwa ng maibalita na papasok sa istorya ng Indio ang Kapuso hunk na si Aljur Abrenica. Inabangan ng marami ang paglabas niya sa telebisyon at kung anong papel ang gagampanan niya sa buhay ng mga Indio. Sino nga ba si Bagandi?

“Isa po ako sa mga tutulong kay Indio. Kakampi rin po ako. Kumbaga, ang sabi nila, ako po ‘yung tutulong sa kanya once na natanggal na ‘yung kapangyarihan niya,” ang pagpapakilala ni Aljur sa kanyang character sa Indio.

Dagdag pa niya na very thankful siya dahil naging bahagi siya ng epic series na ito. “Pinaghandaan ko talaga ang role ko dito sa Indio saka sumailalim rin ako sa workshops dahil kailangang makipagsabayan ako sa mga malalaking artista na bahagi nitong napakalaking programa na Indio”.

Dahil sa isang katutubo rin ang kangyang role dito, may ipinagkaiba kaya ito sa kanyang controversial character na si Machete?

“Minsan nga napagbibiruan pa na parang Machete nga ulit. ‘Yun yung medyo inaayos naming ngayon kasi gusto namin na maiba naman sa Machete at sa Amaya. Medyo parang parehas ‘yung set-up, ‘di ba? Epic series din, so ginagawa naming ang lahat para maiba naman si Bagandi.”

Pero there is one thing that Aljur clarified sa aming interview—that his fans won’t be disappointed sa kanyang costume dahil tiyak na maha-highlight na naman ang matipunong katawan ng actor.

“Kung ano ‘yung mga costume na nakikita ninyo sa show, iyon din sa akin. Medyo magiging iba ‘yung kay Bagandi kasi parang taga ibang tribo po ako doon,” ang nakangiting kuwento ni Aljur.

Abangan si Aljur Abrenica, gabi-gabi sa Indio, weekdays sa GMA Telebabad. -- Text by Loretta G. Ramirez, GMANetwork.com