Showbiz News

Mariane Osabel, handa bang magparetoke?

By Bianca Geli

Matapos ang pagkapanalo sa The Clash Season 4 ng binansagang Ultimate Siren ng Iligan na si Mariane Osabel, ready kaya ito kung sakaling bigyan siya ng big makeover katulad ng glow up ng The Clash Season 3 grand champion na si Jessica Villarubin?

Kuwento niya sa GMANetwork.com, "Open naman po ako sa idea pero hindi po bonggang bongga. Siguro very light lang, magpapaalam din po muna ako sa family ko kung okay lang sa kanila. Pero sa akin, overall, okay lang naman."

Para kay Mariane, tila naging destiny ang pagkapanalo niya sa The Clash at isa rin ito sa mga bagay na naging matagal na niyang hangad para sa sarili.

Aniya, "Actually I do believe in manifestations, kung may gusto kang mangyari, puwedeng i-manifest mo. Naka-focus po ako na gusto ko talaga manalo pero kung sobrang focused ka masyado sa pagkapanalo mawawala ka at hindi mo na ma-enjoy 'yung journey."

"Nung grand finals na hindi na ako nag-isip kung anong mangyayari, ang inisip ko na lang is to seize every moment, mag-enjoy, and to give my best. Kahit pa lang noong Top 6 masaya na ako kasi alam kong malaki na rin 'yung na-achieve ko. Lalo na nung nasa Top 2 na ako, hindi ko na masyado iniisip, sinabi ko na lang s sarili ko 'Come what may, thank you sa kung ano man ang mangyayari'," dagdag niya.

May payo rin si Mariane para sa mga nagnanais na maging kampeon sa isang television singing competition, "Keep moving forward, kapag may opportunities go ka ng go, walang mawawala kung magta-try ka. Wag kang sumuko."

Kilalanin si Mariane Osabel dito: