
Fresh mula sa kanyang second Kapuso project kasama si Primetime King Dingdong Dantes na I Can See You: AlterNate, handa na ang aktres na si Beauty Gonzalez para sa kanyang bagong serye sa GMA Network kung saan ay mapapanood naman siya bilang isang kontrabida.
Sa "Chika Minute" report ni Nelson Canlas para sa 24 Oras, ibinahagi ni Beauty ang kanyang excitement para sa bagong role.
"I'm so excited for them to see me in the show, na ibang Beauty naman 'yung makikita nila," ani Beauty.
"Gusto ko kasi 'yung paiba-iba parati, ayoko nang pareho lang 'yung flavors lahat," dagdag pa niya.
Hindi naman nagbigay ng iba pang detalye ang aktres patungkol dito.
Samantala, inaabangan na rin ang pelikulang pagsasamahan nila ng kanyang first Kapuso leading man na si Kelvin Miranda na After All sa direksyon ni Adolfo Alix Jr.
Unang nagsama sina Beauty at Kelvin sa unang kuwento ng Stories from the Heart na "Loving Miss Bridgette."
Mas kilalanin naman si Beauty Gonzalez sa gallery na ito: