Showbiz News

Andrea Torres at Tom Rodriguez, bibida sa 'Sabong' episode ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc

Tampok ngayong Sabado sa Wish Ko Lang ang misteryosong kuwento ng mga nawawalang sabungero.

Kamakailan lamang nang pumutok ang balita tungkol sa mga nawawalang sabungero sa Laguna, Batangas, Rizal, at Bulacan kung saan umabot ito sa 30 katao.

Bibigyang buhay nina Andrea Torres at Tom Rodriguez ang kuwento nina Joyce at Darwin sa "Sabong" episode ng wish-granting program.

Makakasama rin nila sa episode na ito sina Angela Alarcon, Kim Rodriguez, at Marcus Madrigal.

Huwag palampasin ang istoryang tampok sa Wish Ko Lang ngayong Sabado, February 12, 4:00 pm, sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang bagong Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa program guide, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

Samantala, tingnan ang top 10 most viewed episode ng Wish Ko Lang sa gallery na ito: