GMA Logo Yasser Marta
What's Hot

Yasser Marta, gustong maka-collab sina Cong TV at Wil Dasovich sa isang vlog

By EJ Chua
Published February 11, 2022 3:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Yasser Marta


Ano kayang klase ng collaboration ang gustong gawin ni Yasser with his fave vloggers?

Bukod sa pagpapakilig sa harap ng telebisyon bilang leading man ni Maine Mendoza sa hit GMA sitcom na Daddy's Gurl, isa na rin palang vlogger si Yasser Marta.

Sa isang interview, excited na ibinahagi ni Yasser sa GMANetwork.com kung sinu-sino ang content creators na gusto niyang maka-collab sa kanyang vlog.

Ayon sa Kapuso heartthrob, “Siguro si Cong... Cong TV, isa siya sa gusto ko makasama. At siyempre si Wil Dasovich, kasi si Wil noong hindi pa siya nagba-vlog, wala pa siya sa YouTube nagkakasama na kami sa VTRs at sa mga commercial. Kaya ang sarap siguro na makasama siya at balikan naming 'yung moments na 'yun nung hindi pa siya nagba-vlog.

Ibinahagi rin ni Yasser na mga kaibigan niya ang nagtulak at tumulong sa kanya na pasukin ang mundo ng vlogging.

“Aminado ako when it comes to social media, YouTube, Facebook, mga videos hindi ko ano… hindi forte 'yun e, hindi ako masyado ano sa mga ganun. Sa tulong din ng friends ko na nakasama ko sa mga outdoor activities para matuloy ko ito at makita rin ng mga tao kung ano ba ang mga ginagawa ko. Ayun! Malaki ang pasasalamat ko sa kanila dahil sila, mga kaibigan ko ang tumulong sa akin para masimulan ko 'yung sa channel ko,” kuwento ng aktor.

Sa kasalukuyan, mapapanood ang 'Yasventure,' ang unang adventure vlog na in-upload ni Yasser sa kanyang YouTube channel.

Samantala, tingnan ang thirst-trap photos ni Yasser Marta sa gallery na ito: