GMA Logo Princess Hours
What's Hot

Tambalang Ju Ji-hoon at Yoon Eun-hye ng 'Princess Hours,' mapapanood na sa GMA

By Aimee Anoc
Published February 14, 2022 2:56 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Tuba, Benguet police chief relieved from post due to lapses in Cabral probe —PNP
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Princess Hours


Mapapanood na ngayong araw, February 14, 5 p.m. sa GMA ang classic K-drama na 'Princess Hours.'

Handa nang maghatid ng kilig tuwing hapon sina Prince Shin at Caitlyn ng classic at well-loved K-drama na Princess Hours.

Pinagbibidahan ito ng dalawa sa pinakasikat na bituin sa South Korea na sina Ju Ji-hoon (Prince Shin) at Coffee Prince actress Yoon Eun-hye (Caitlyn).

Makakasama rin sa top-rated series na ito sina Kim Jeong-hoon (Prince Yul), at Jumong actress Song Ji-hyo (Bianca).

Magsisimula ang kwento ng Princess Hours sa paghahanap ng gobyerno ng South Korean empire ng mapapangasawa ni Prince Shin, ang itinakdang prinsipe.

Mahal man ni Prince Shin ang balerinang si Bianca, kailangang sundin ng prinsipe ang kasunduan at pakasalan ang ordinaryong high school girl na si Caitlyn.

Posible kayang may mabuong pag-ibig sa pagitan ng isang cold na prinsipe at isang ordinaryong high school girl?

Subaybayan ang Princess Hours, Lunes hanggang Biyernes, 5 p.m sa GMA.

Samantala, tingnan ang top Korean entertainment stories noong 2021 sa gallery na ito: