
Sa Benguet nag-celebrate ng pre-Valentine's Day ang Team Dantes kasama ang kanilang pamilya at malalapit na kaibigan.
Ipinakita nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang magagandang view at ang bonding nilang pamilya para sa Araw ng mga Puso.
Enjoy na enjoy naman ang magkapatid na Zia at Ziggy sa pamamamasyal sa Benguet.
Matatandaang espesyal ang Benguet sa Kapuso Primetime Couple dahil dito ang setting ng kanilang 2010 film na You To Me Are Everything.
Bago ang kanilang Benguet trip, nabalita ang pagpapabakuna laban sa COVID-19 ng panganay nina Dingdong at Marian na si Zia.
Isa ang Team Dantes sa mga showbiz families na tinamaan ng COVID-19. Kilalanin ang iba pa sa gallery na ito: