Showbiz News

Shayne Sava, lubos ang pasasalamat kay Abdul Raman

By Aaron Brennt Eusebio

Malaki ang pasasalamat ng aktres na si Shayne Sava para sa kanyang ka-love team na si Abdul Raman dahil pinadalhan siya nito ng fruit basket noong nagpapagaling siya sa COVID-19.

Kuwento ni Shayne, madaling araw na nang pumunta si Abdul sa kanilang bahay upang iwan ang pagkain sa harap ng kanilang gate.

"Sinabi ko [kay Abdul] na positive ako sa COVID, nalulungkot ako, ganyan. 'Tapos ayun, nagulat ako, pumunta siya sa bahay," masayang kuwento ni Shayne.

"Pumunta siya sa bahay! 'Tapos, may dala-dala siyang mga prutas kaya sobrang na-appreciate ko at natuwa ako. And siyempre, it helped me a lot, even my family kasi ang dami nung mga prutas, 'yun 'yung ginagawa kong snacks kaya mas napabilis 'yung paggaling ko."

Dagdag ni Abdul, magkalapit lang ang bahay nila ni Shayne kaya nadala niya ang mga pagkain nang naka-bike lang.

Aniya, "Actually pumunta pa nga ako sa bahay niya noon nang naka-bike, nag-bike ako. Medyo malapit pero tatawid pa ako ng highway nun, e."

"Parang pa-12 na non, pa-midnight na tapos pumunta ako sa bahay niya tapos iniwan ko lang sa gate nila tapos sinabi ko, 'Oy, nandito na ako.' Tapos ayun, siya 'yung kumuha pero no contact."

Kasalukuyang nang naghahanda sina Shayne at Abdul para sa pagbibidahan nilang bagong teleserye, ang Raising Mamay, kung saan makakasama nila si Kapuso Comedy Queen AiAi Delas Alas.

Kamakailan, ipinakilala sina Shayne at Abdul bilang parte ng "Sparkle Sweethearts," na binubuo ng limang bagong love team na siguradong magpapakilig sa mga Kapuso.

Kilalanin ang mga kasama nina Shayne at Abdul sa Sparkle Sweethearts DITO: