Showbiz News

Juancho Trivino, Thea Tolentino recall teleserye experiences while playing old board game

By EJ Chua

Game na game na ikinuwento ng former Las Hermanas actress na si Thea Tolentino ang ilang karanasan niya sa teleseryes nang maimbitahan siya ni Juancho Trivino para sa isang vlog.

Sa unang parte ng video, ipinaliwanag muna ni Juancho kay Thea na habang nagkukwentuhan sila ay lalaruin nila ang traditional fun board game na 'Snakes and Ladders.'

Nang magsimula na silang maglaro, ikinuwento ng Kapuso actor na halos isang dekada na silang magkaibigan ni Thea dahil ilang beses na rin silang nagkasama sa ilang teleseryes sa GMA Network.

Unang itinanong ni Juancho kay Thea kung sino ang pinakamagaling at pinaka talented na artista para sa kanya.

Kuwento ni Thea, “Dahil sobrang ka-close ko rin siya at saka talagang ito 'yung ano na nage-gets ko ang acting, na-appreciate ko ang mga nakikita ko, nakita ko 'yun kay Ate Gladys Reyes.”

Ibinahagi rin ni Thea ang ilang detalye nang maramdaman niya ang sampal ng isang Gladys Reyes sa ilang teleserye na pinagsamahan nila.

Bukod sa pagkukuwento, ginaya pa ni Thea ang ilang eksena nila ng batikang aktres sa GMA drama series na Madrasta.

“Umiyak ako bukod sa dahil 2AM na 'yun… 'Yun ang masasabi kong favorite kong scene," pagbabahagi ng aktres.

Ikinuwento rin ni Thea ang ilang eksenang hindi niya malilimutan sa television drama series na Asawa Ko, Karibal Ko.

Sa huling parte naman ng vlog ng Kapuso stars, ibinahagi ni Thea kung ano ang highlight ng career niya sa showbiz.

“Na-excite kasi ako sa career ko noong mas nakilala ko 'yung sarili ko through workshops. Feeling ko 'yun ang highlight.”

Natapos ang vlog ng dalawa nang makitang nanalo na pala si Thea sa naturang board game.

Mapapanood si Thea Tolentino sa GMA action series na Lolong. Si Juancho Trivino naman ay napapanood ngayon sa pinakabagong drama series na Little Princess.

Samantala, tingnan ang ilang larawan ng napaka-cute na anak nina Juancho Trivino at Joyce Pring na si Eliam sa gallery na ito: