Showbiz News

Kylie Padilla, nagpakitang gilas sa paglalaro ng billiards

By Aimee Anoc

Handa na si Kylie Padilla para sa bagong serye niya sa GMA, ang Bolera, kung saan bibigyang buhay niya ang billiard prodigy na si Joni.

Sa Instagram, ipinasilip ng aktres ang pag-eensayo sa bilyar kung saan nagawa nitong maipasok ang bola.

"Hi, Joni Girl," sulat ni Kylie na may kasamang hashtag "Bolera soon."

A post shared by kylie 🔮 (@kylienicolepadilla)

Bukod kay Kylie, nasa lock-in taping na rin sina Rayver Cruz, Jak Roberto, Gardo Versoza, at Joey Marquez. Makakasama rin nila sa sports drama na ito sina Jaclyn Jose at Ricardo Cepeda.

Samantala, sa isang post ni Gardo sa Instagram, mapapanood naman ang kulitan ng cast na todo sa paghataw sa viral dance na "Paro Paro G."

A post shared by gardo versoza ( CUPCAKE ) (@gardo_versoza)

Abangan ang Bolera soon sa GMA Telebabad.