Showbiz News

Ruru Madrid, trending sa Twitter matapos lumabas ang kaniyang sexy billboard ad

By Aedrianne Acar

Gumawa ng ingay ang Sparkle artist na si Ruru Madrid kahapon, Sabado ng hapon, February 19 nang opisyal na ipinasilip nito ang kaniyang sexy Summer campaign ad para sa Bench.

Ipinost din ng Lolong star via Instagram Stories ang kuha ng malaking billboard niya para sa clothing brand na makikita along EDSA Guadalupe.

Trending agad sa Twitter Philippines ang summer campaign na ito ni Ruru at bumuhos din ang positive comments mula sa netizen at celebrities.

Sumali ang Kapuso actor sa Protégé: The Battle For The Big Artista Break taong 2011, pero mas lalo siyang nakilala nang gampanan niya ang role na Ybrahim sa 2016 reboot ng hit telefantasya series na Encantadia.

Balikan ang sexy transformation ni Ruru Madrid sa gallery na ito.