
Sa unang linggo ng Princess Hours, hindi inaasahan ni Prince Shin (Ju Ji-hoon) na ang babaeng nakatakdang ikasal sa kaniya ay ang ordinaryong art student na si Caitlyn (Yoon Eun-hye).
Gustuhin mang pakasalan ni Prince Shin ang balerinang si Bianca (Song Ji-hyo), pero kinakailangan niyang sundin ang kasunduan bilang itinakdang prinsipe.
Dahil sa hirap ng buhay, sumang-ayon si Caitlyn sa kasunduan na maging prinsesa at ikasal sa aroganteng prinsipe.
Sa pagpasok sa palasyo, buong tapang na hiniling ni Caitlyn sa reyna na huwag pabayaan ang kaniyang pamilya kapalit nang pagpapakasal sa prinsipe.
Samantala, nagbalik na sa palasyo si Prince Yul (Kim Jeong-hoon), ang dating itinakdang prinsipe.
Patuloy na subaybayan ang Princess Hours, Lunes hanggang Biyernes, 5:00 p.m. sa GMA.
Balikan ang mga eksena sa Princess Hours:
Caitlyn's embarrassing encounter with Prince Shin
Is Prince Shin's decision important?
Caitlyn's destiny to be a princess!
Caitlyn meets the queen!
Caitlyn becomes an instant celebrity!