GMA Logo Douluo Continent
What's Hot

Douluo Continent: Ang hiwaga sa mga kamay ni Tang San | Week 1

By Jimboy Napoles
Published February 22, 2022 11:09 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Evidence vs. public servants should not be used for politicking — Palace
2 hurt in Basilan fire; 3 houses razed
New food hall opens latest branch in BGC

Article Inside Page


Showbiz News

Douluo Continent


Anong klaseng kapangyarihan ang tinataglay ni Tang San? Alamin DITO:

Sa unang linggo ng Douluo Continent, ipinakilala na ang bida sa kuwento na si Tang San (Xiao Zhan), isang binata na ulila sa ina at lumaki lamang sa piling ng ama.

Pero sa kabila nito, busog naman ng pagmamahal si Tang San mula sa kanyang ama. Ito rin ang unang nagturo sa kanya upang maging isang magaling na maestrong diwa.

Nalaman din ni Tang San na ang kanyang kanang kamay ay nagtataglay ng isang kapangyarihan ngunit mahina lamang ito kumpara sa iba. Lingid sa kanyang kaalaman, ang kanya palang kaliwang kamay ang may natatanging lakas na wala sa iba.

Upang masagot ni Tang San ang mga tanong tungkol sa kanyang pagkatao at mahasa ang kanyang kapangyarihan, nagtungo siya sa isang paaralan ng mga maestrong diwa.

Sa kanyang paglalakbay ay nakilala niya si Yu Xiao Gang (Calvin Chen), ang bihasa sa pagpapalabas ng kapangyarihang diwa. Siya rin ang tumulong kay Tang San sa pag-eensayo sa pakikipaglaban.

Bukod kay Xiao Gang, nakilala rin ni Tang San ang magandang dilag na si Xiao Wu (Wu Xuan Yi), na may kapangyarihan na gaya sa liksi at bilisng isang kuneho. Mabilis na gumaan ang loob ni Xiao Wu kay Tang San kung kaya't mabilis din silang nagkasundo.

Sa kanilang pagpasok sa paaralan, dito na magsisimula ang matitinding laban na kailangan nilang haharapin at malagpasan.

Malaman kaya ni Tang San ang sikreto ng kanyang pagkatao? Magawa kaya niyang maging isang pinakamapangyarihan na maestrong diwa?

Subaybayan ang Douluo Continent, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 ng umaga sa GMA.