Showbiz News

Jak Roberto flexes billiards skills, gets funny reaction from Sef Cadayona

By Aimee Anoc

Hindi rin nagpahuli si Jak Roberto sa pagpapakitang gilas ng mga natutunan niyang techniques sa paglalaro ng billiards sa lock-in taping ng upcoming GMA series na Bolera.

Sa Instagram posts, mapapanood ang seryosong paglalaro ng aktor at ang kakulitan nito nang maipasok ang mga bola.

A post shared by Jak Roberto (@jakroberto)

Bukod sa netizens, umani ng nakatutuwang reaksyon mula kay Sef Cadayona ang pagpapakitang gilas na ito ni Jak.

"HAYERP!" sulat ni Sef.

"May papalit na kay Efren 'Bata' lods hahaha," dagdag ni Zeus Collins.

Makakasama naman ni Jak sa serye sina Kylie Padilla, Rayver Cruz, Joey Marquez, Al Tantay, Gardo Versoza, at Jaclyn Jose.

Abangan si Jak Roberto bilang si Pepito aka Toypits sa Bolera soon sa GMA.

Samantala, mas kilalanin pa si Kapuso actor Jak Roberto sa gallery na ito: