Showbiz News

Zoren Legaspi, ibinahagi ang tunay na dahilan sa likod ng surprise wedding nila ni Carmina Villarroel

By Jimboy Napoles

Halos 10 taon nang kasal ang celebrity couple na sina Carmina Villarroel-Legaspi at Zoren Legaspi at nananatiling matatag ang kanilang relasyon kasama ang kanilang mga anak na sina Mavy Legaspi at Cassy Legaspi.

Sa recent vlog ni Carmina, sinagot ni Zoren ang mga tanong galing sa followers ni Carmina. Tinanong kasi ng aktres ang kaniyang followers kung ano ang gusto nilang itanong kay Zoren.

Isa sa kanilang napag-usapan ay ang naging surprise wedding nila noong 2012.

"Anong favorite part mo ng wedding natin?," tanong ni Carmina.

Agad naman itong sinagot ni Zoren, "I guess, you walking sa aisle…"

Bigla naman naging emosyonal ang aktor nang alalahanin ang isa sa mga dahilan kung bakit niya minadali ang preparasyon ng kasal nila ni Carmina.

Kuwento niya, "Kasi 'yung wedding na 'yun ito ang 'di ko pa nasasabi. Okay, alam naman nila na surprise kasi 'yun and ang isang triggering point kasi no'n, kaya siya naging surprise at mabilisan, nagkasakit kasi si Daddy Regie [ama ni Carmina], bibigyan ng hip replacement."

Naisip daw noon ni Zoren na kailangan na nilang ikasal ni Carmina bago pa ang nakatakdang operasyon ng hip replacement ng ama nito.

Aniya, "Wala ka kasi doon sa meeting ng doctors and with your family, siblings, so ako ang nag-represent sa'yo doon sa meeting. Sabi ng doktor doon, 'pag ginawa iyon [hip replacement], 50-50 si Daddy Regie.

"Then it hit me, sabi ko, kung magpapakasal kami ni Mina na wala si Daddy Regie, 'di ma-wi-witness ni Daddy Regie, useless kasi wala na ang mama mo, tapos, naglalakad ka 'dun, wala pa Daddy Regie mo. So for me, useless siya."

Dahil sa madamdaming kuwento ni Zoren ay naging emosyonal na rin si Carmina.

"Daddy, questions lang naman ang gusto nating tanungin, bakit tayo nag-iiyakan dito. Hay naku, hindi ako ready, hindi kami prepared, wala kaming tissue. Dapat pala iyon na lang ang last question ko," ani Carmina.

Panoorin ang vlog ng celebrity couple, DITO:

Kamakailan ay bumida sina Carmina at Zoren sa kanilang first Kapuso mini-series together na Stories from the Heart: The End Of Us na tungkol sa istorya ng mag-asawang sinubok ang tatag ng relasyon.

Samantala, subaybayan naman si Carmina bilang si Barbara Sagrado-Dee sa Kapuso suspense-serye na Widows' Web simula bukas sa GMA Telebabad.

Balikan naman ang sweet photos nina Carmina at Zoren sa gallery na ito.