TV

MAGPAKAILANMAN presents “Nasayang na Jackpot: The Dionie Reyes Story”



Ano ang halaga ng tunay na pag-ibig? Masusukat ba ito sa antas ng pamumuhay? Sa dami ng pag-aari? Malalagyan mo ba ng presyo ang nararamdaman mo para sa isang tao?

Ngayong Sabado sa Magpakailanman, alamin ang kuwento ni Dionie Reyes, isang lalaking naghangad ng magandang buhay para sa kaniyang pamilya, pero nang manalo ng P14M jackpot sa lotto ay inubos ang perang nakuha sa loob ng tatlong buwan.

Magsisimula ang kuwento ni Dionie sa kaniyang panliligaw sa asawang si Minda, isang babae na 14 years ang tanda sa kaniya. Hindi iindahin ni Dionie ang mga panunukso at panunutsa ng ibang tao, bagkus ay ipaglalaban pa niya ang pagmamahal sa babae.
Pero mag-iiba ang lahat ng ito nang manalo siya ng jackpot. Lahat kasi ng tao ay magbabago ang pakikitungo kay Dionie, maliban kay Minda. Mananatili itong voice of reason sa mundo ni Dionie na nadala ng mga pangako ng kayamanan. Dahil dito, may magkakaroon ng lamat ang pagsasama nina Dionie at Minda.

Unti-unti ay mababago ng kayamanan ang ugali ni Dionie, at unti-unti ring lalayo ang lalaki sa babaeng pinangakuan ng habang-buhay na pagmamahal. Malalapit si Dionie sa mga taong walang ibang nais sa kaniya kundi ang perang kayang ibigay.

Pero paano kung ang mabilis na nakamit na kayamanan ay mabilis ring mawala sa mga kamay niya?

Sa pagtuklas ni Dionie kung sino ang tunay niyang mga kaibigan, sino na lang ang malalapitan niya sa panahong siya na ang nangangailangan?

Alamin ngayong Sabado sa Magpakailanman—pagkatapos ng "Vampire ang Daddy Ko."
"Nasayang na Jackpot: The Dionie Reyes Story" features Luis Alandy and Ms. Jaclyn Jose, kasama rin sina Dexter Doria, Gerald Pizzaras, at Karen delos Reyes; sa mahusay na direksyon ni Ricky Davao, at sa panulat ni Jason John Lim, based sa research ni Karen Lustica.