GMA Logo Douluo Continent week 3
What's Hot

Douluo Continent: Lahat laban sa isang Maestrong Diwa | Week 3

By Jimboy Napoles
Published March 7, 2022 3:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Welcome everyone to the church, says Cardinal Advincula
Lalaki, nakuhaan sang video nga nagapangawat sa abandonado nga balay sa Bacolod| One Western Visayas
Heart Evangelista is cool and chic in baggy pants

Article Inside Page


Showbiz News

Douluo Continent week 3


Natutunan ni Tang San na ang pakikiisa sa kanyang grupo ay magiging daan din upang matalo ang kalaban.

Sa ikatlong linggo ng Douluo Continent nasubukan naman ang katapangan at pakikisama ni Tang San (Xiao Zhan) sa kanyang mga kasama.

Sa pagsalakay ng isang makapangyarihan na Maestrong Diwa sa kanilang komunidad, ginamit na ni Tang San (Zhan Xiao) ang kanyang mga bagong natutunan kay Xiao Gang (Calvin Chen) sa pakikipaglaban.

Sa tulong din ng kanyang mga kaibigan gaya ni Xiao Wu (Wu Xuan Yi) na may liksi at bilis ng gaya sa isang kuneho ay natalo nila ang Maestrong Diwa.

Isa sa mga natutunan ni Tang San ay ang pagkakaisa. Naisip niya na hindi lahat ng laban ay kakayanin niyang mag-isa kung 'di dapat ay matuto rin siyang makisama at makiisa sa kanyang mga kaibigan at kakampi.

Sa kanyang patuloy na pagharap sa mga pagsubok, isang lalaking may kapangyarihang apoy na kayang sunugin ang buong pamayanan ang kailangan niyang masugpo.

Subaybayan ang Douluo Continent, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 ng umaga sa GMA.