
Sa ikatlong linggo ng Princess Hours, inamin na ni Caitlyn (Yoon Eun-hye) kay Prince Shin (Ju Ji-hoon) ang lungkot na nararamdaman sa tuwing maiisip niya na si Bianca (Song Ji-hyo) pa rin ang mahal nito.
Hindi man sabihin ni Prince Shin na pinapahalagahan niya ang nararamdaman ng prinsesa, makikita naman ito sa kilos ng prinsipe tulad na lamang nang pagsuot sa sapatos na gawa mismo ni Caitlyn para sa kanyang kaarawan.
Samantala, patuloy naman ang ina ni Prince Yul (Kim Jeong-hoon) na si Lady Hwayong (Shim Hye-jin) sa masamang binabalak nito kay Prince Shin para tuluyang mabawi ang trono.
Una na rito ang paggamit sa nakaraang relasyon nina Bianca at Prince Shin. Magtatagumpay kaya si Lady Hwayong sa binabalak nitong pagpapatalsik kay Prince Shin?
Patuloy na subaybayan ang Princess Hours, Lunes hanggang Biyernes, 5:00 pm sa GMA.
Balikan ang mga eksena sa Princess Hours:
Princess Hours: Prince Shin and Bianca's closure | Episode 11
Princess Hours: Caitlyn's homesickness | Episode 12
Princess Hours: Caitlyn's friendship with Prince Yul | Episode 13
Princess Hours: Caitlyn's failed confession | Episode 14
Princess Hours: Prince Shin's upcoming scandal | Episode 15