GMA Logo Jamir Zabarte
Photo by: jamirzabarte (IG)
What's Hot

Jamir Zabarte reveals his dream role and favorite Kapuso stars

By Aimee Anoc
Published March 23, 2022 2:04 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Residents in Bataraza, Palawan capture 14-foot saltwater crocodile
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Jamir Zabarte


Naiiba sa pangarap ng karamihang aktor ang dream role ni Jamir Zabarte. Alamin dito.

Isa sa pinakamaingay na Kapuso heartthrob ngayon si Jamir Zabarte.

Kabilang din ang aktor at ang on-screen partner niyang si Zonia Mejia sa next big love teams ng Kapuso Network na Sparkle Sweethearts.

Sa isang press interview, ibinahagi ni Jamir ang dream role bilang isang Kapuso. Aniya, naiiba ito sa pangarap na role ng karamihan.

"Medyo unusual ito sa kung ano ang sinasabi nila pero ang pinaka-dream role ko po is bad boy sa isang pelikula. Kung baga mala-indie 'yung istorya ng buhay ko, na talagang lumaki sa hirap at ang dami mong pinagdaanan," sabi ni Jamir.

Nais ding makasama ng aktor sa isang pelikula ang on-screen partner na si Zonia.

Dagdag niya, "Tapos darating 'yung character ni Zonia na conservative, pihikan, mahiyain, at siya 'yung magpapabago sa buhay ng character ni Jamir Zabarte."

Bukod sa pangarap na role, ibinahagi rin ni Jamir ang dalawang paboritong Kapuso stars.

Una na rito si Asia's Multimedia Star Alden Richards. Paliwanag niya, "Sobrang idol ko siya noon pa man kasi 'yung pagiging magaling na aktor matututunan mo 'yan e. Pero 'yung personality mo, 'yung mabait ka sa ibang mga tao iyon 'yung hindi mo mapapantayan ng kahit na ano."

Malaki rin ang paghanga ni Jamir kay Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose dahil sa husay nito sa pagkanta, pagpe-perform, at pag-arte.

Samantala, mapapanood si Jamir sa upcoming live-action adaptation series na Voltes V: Legacy soon sa GMA.

Kilalanin ang iba pang Sparkle Sweethearts sa gallery na ito: