Showbiz News

Xian Lim hopes to do music with GMA

By Bianca Geli

Isa si Kapuso actor Xian Lim sa mga kabilang sa mga Filipino performers para sa Expo 2020 Dubai.

Makakasama ni Xian sina Asia's Limitless Star Julie Anne San Jose at The Clash Season 3 grand champion Jessica Villarubin.

Pahayag ni Xian sa isang interview, "Kaya nakakatuwa rin po kasi things are slowly getting better. Kahit mabagal, we're getting there, we're progressing."

Kuwento pa ni Xian, dadalhin niya mismo ang kanyang sariling piano para sa performance niya sa Expo 2020 Dubai.

"I'll be bringing my piano with me so nakakatawa rin talaga.

"Ang tagal na rin kasi na hindi kami nakapag-perform in front of a live audience.

"I'm excited and nervous at the same time.

Nang natanong si Xian ng media sa online interview kung balak niya na rin mag-release ng kanta bilang isang Kapuso artist, hindi nag-alangan sa pagsagot si Xian.

"Ngayon pa nga lang, nagpapahiwatig na po ako sa mga bosses natin just in case na kailangan po ng ka-duet ni Ms. Jessica at Ms. Julie Anne San Jose, nandito po ako.

Dagdag nito, "Joking aside, I really hope I get to do music with GMA in the future po."

In partnership with GMA Pinoy TV at Department of Trade and Industry, and official media partners, The Filipino Times and TAG 91.1 makakasama ng mga Pinoys abroad sa Dubai sina Xian Lim, Julie Anne San Jose, at Jessica Villarubin kasama ng iba pang mga Filipino artists sa March 30 sa Dubai Millennium Amphitheatre, Dubai Expo Grounds.

For more information, visit www.gmapinoytv.com and follow GMA Pinoy TV on Facebook, Instagram, TikTok, YouTube, Twitter, and the Viber community.

Take a look at Xian Lim's handsome photos: