Showbiz News

Mike Enriquez, miss na miss ang co-anchors niya sa '24 Oras' na sina Mel Tiangco at Vicky Morales

By Aedrianne Acar

Mapapasabak ang 24 Oras anchors na sina Mel Tiangco at Vicky Morales sa mahabang kuwentuhan ngayong Lunes ng gabi, March 28, lalo na at magbabalik na ang GMA News pillar Mike Enriquez sa flagship news program.

Noong December 2021, nag-file ng medical leave si Mike dahil sasailalim siya sa isang kidney transplant operation. Naganap ang naturang transplant noong December 16.

Sa eksklusibong panayam sa multi-awarded media personality ng 24 Oras, ramdam ang saya nito na makikita niya muli sina Mel at Vicky.

Sabi niya, “Humanda kayo, dahil miss na miss ko kayong dalawa. Sobra! Sigurado to sa Lunes, umaatikabong kuwentuhan 'to.”

Ikinuwento rin niya sa mga Kapuso kung ano ang una niyang itinanong sa kaniyang mga doctor, matapos ang transplant. Pagbabalik-tanaw niya, “And the first thing I did was, [I] asked my doctor kung puwede na.

“'Yung doctors ko naman said puwede na, but I should strictly follow the health protocols for a kidney transplant patient.”

Bukod sa pagbabalik niya sa Super Radyo dzBB, 24 Oras , at Imbestigador--naghahanda na rin ang highly-respected Kapuso news anchor sa malawak at komprehensibong coverage ng Eleksyon 2022 ng GMA News at Public Affairs.

Ani Mike, “Talagang mabait ang Diyos e. Mabait si Lord, I returned this time kung kelan 'yung mga katulad natin sa media ay kailangan na kailangan sa pagbibigay ng totoo. Yung sinasabi natin dapat totoo, e. Importanteng-importante lalo ngayon kaliwa't kanan ang fake news.”

Curious ba kayo mga Kapuso kung ano ang nangyari first day ni Mike Enriquez sa pagbabalik niya sa high-rating dzBB program na Super Balita sa Umaga Nationwide?

Silipin sa video below.

Heto naman ang ilan sa mga sikat na entertainment personalities na na-diagnose ng isang rare medical condition sa gallery na ito.