Showbiz News

Zonia Mejia, nakipag-bonding sa mahigit 87 na aso sa isang farm sa Pampanga

By Jimboy Napoles

Mahigit sa 87 na aso ang naka-bonding ng Sparkle artist na si Zonia Mejia sa isang farm sa Pampanga na binisita niya kasama ang Kapuso host na si Lyn Ching-Pascual para sa Unang Hirit.

Sa episode ng morning show nitong Martes (March 29), ipinakita nina Zonia at Lyn ang iba't ibang uri ng aso gaya ng Shih Tzu, Chow Chow, Chihuahua, at Husky na nanggaling pa sa iba't ibang bansa na binili ng fur parent na si Kim Carlo Vicencio.

Sa latest Instagram post ng teen actress na si Zonia, ibinahagi niya ang mga larawan ng kanyang unforgettable experience kasama ang mga aso.

"My love for dogs. Thank you @unanghirit for having me again," caption niya sa kanyang post.

Makikita sa mga larawan at video na ipinost ng aktres ang masayang bonding moment niya kasama ang mga cute ng aso.

Panoorin ang good vibes na episode na ito ng Unang Hirit kasama si Zonia sa video na ito.

Patuloy na makisaya kasama ang Unang Hirit barkada tuwing Lunes hanggang Biyernes, 5:30 a.m. sa GMA.

Samantala, silipin naman ang mga larawan ng mga alagang hayop ng inyong mga paboritong celebrity sa gallery na ito.