Showbiz News

Ina Feleo, may mensahe sa nagsabing wala pa siyang nararating kahit matagal nang artista

Nasa dugo na ni Ina Feleo ang pag-arte kaya naman nagtagal din siya sa industriya.

Siya ang bunsong anak ng yumaong aktor na si Johnny Delgado at actress-director na si Laurice Guillen. Naging impluwensya rin sa kanya ang kanyang nakatatandang kapatid na si Ana Feleo, na isang acting coach.

Taong 2002 nagsimulang umarte si Ina sa telebisyon at magpahanggang ngayon ay patuloy ang kanyang mga proyekto.

Katatapos lamang ng primetime series na To Have and To Hold kung saan siya kabilang, pero nasundan agad ito ng panibagong serye na pinamagatang Raising Mamay na ipapalabas ngayong taon.

Iba't ibang roles na rin ang ginampanan ni Ina sa drama at karamihan sa mga ito ay puro supporting roles, bagay na hindi ikinahihiya ng aktres.

Sa kanyang Instagram post noong March 20, sinalaysay niya ang kanyang katwiran tungkol dito nang may kuwestiyon sa kanyang stature sa showbiz.

Bahai niya, "Minsan nang may nag DM sakin at sabi bakit daw ang tagal ko nang artista wala parin akong nararating.

"Ang sagot ko diyan, ang walang kamatayang sabi ni Stanislavsky: "Remember: there are no small parts, only small actors." I'd like to think hindi ako small actor

"So, watch me enjoy my small parts."

Sa parehong post, ibinahagi ni Ina ang kanyang larawan sa set ng bago niyang project na Raising Mamay kung saan lalabas siyang iresponsableng kapatid ng bidang si Aiai Delas Alas, insecure, at gastadora.

Sa upcoming series, iniba ang kanyang imahe. Nilagyan siya ng temporary tattoo at naging sexy din manamit na malayo sa kanyang character sa previous project niyang To Have and To Hold.

Puro supporting roles man ang nakukuha, na-e-enjoy ni Ina ang bawat challenge na ibinibigay sa kanya.


Bukod sa pagiging aktres, hinahangaan din ang pagiging fit ni Ina.

Tingnan sa gallery na ito kung paano niya na-achieve ang kanyang beach-ready body: