
Mainit ang naging pagsalubong ng GMA network sa tinagurian na this “Generation's Pop Princess” na si Zephanie Dimaranan noong nakaraang linggo.
Isang grand welcome rin ang inihanda ng variety show na All-Out Sundays para kay Zephanie kung saan nakasama niya for the first time ang ilan sa mga mahuhusay na Kapuso singers na sina Julie Anne San Jose, Aicelle Santos, at Rita Daniela.
Sa kanya namang naging pagbisita sa Unang Hirit nitong Lunes, April 4, ibinahagi ni Zephanie ang kanyang pasasalamat sa mainit na pagtanggap sa kanya bilang bagong Kapuso.
"Overwhelming po and of course grateful sa blessing na ito and I'm really excited po sa journey na ito with our fellow Kapuso," ani Zephanie.
Ayon pa kay Zephanie, game siya na makatrabaho ang maraming Kapuso stars gaya ng The Clash judges na sina Lani Misalucha at Christian Bautista.
Aniya, "If mabibigyan po ako ng chance na maka-work po lahat ng artists [gusto ko] pero siguro kung may i-ne-name po ako ay sina kuya Christian Bautista, kuya Mark Bautista, and of course si Ms. Lani Misalucha po."
Sa Instagram, ipinost din ni Zephanie ang mga larawan mula sa kanyang naging pagbisita sa nasabing morning show.
"Just the perfect way to start off the week! Thank you @unanghirit for having me today!" caption niya sa kanyang post.
Samantala, mas kilalanin naman ang bagong Kapuso na si Zephanie sa gallery na ito.