GMA Logo Bianca Umali
What's Hot

Ilang TikTok videos ni Bianca Umali, humakot ng mahigit 10M views

By EJ Chua
Published April 8, 2022 11:35 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Duchess Meghan tries to contact estranged father after amputation reports
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Bianca Umali


Napanood niyo na rin ba ang trending TikTok entries ni Bianca Umali?

Bukod sa pagiging isa sa fastest-shining Kapuso stars dahil sa husay sa pag-arte, hindi rin nagpahuli si Bianca Umali sa kanyang entries sa trendy video-sharing app na TikTok.

Sa katunayan, karamihan sa dance covers at short content ni Bianca sa naturang app ay humahakot ng mahigit 10 million views.

Isa na rito ay ang kanyang entry para sa kantang “Buttons” na pinasikat ng American girl group na Pussycat Dolls.

Labis itong kinagiliwan ng netizens dahil hot na hot na ipinamalas ni Bianca Umali ang kanyang dancing skills sa video na ito at sa kasalukuyan ay mayroon na itong 14.5 million views.

Isa pa sa nag-trending na dance cover ni Bianca ay ang kanyang entry para sa kantang “Inferno” na pinasikat naman ni Bella Poarch.

Sa kasalukuyan, mayroon na itong 16. 5 million views at 1.6 million likes sa TikTok.

@bianxxxxxxxa

♬ INFERNO - Sub Urban & Bella Poarch

Ang bawat comment section ng videos ni Bianca ay napupuno ng fire emojis at nakakaaliw na mga komento mula sa netizens.

Samantala, tingnan ang glow-up transformation ni Bianca Umali sa gallery na ito: