Showbiz News

GMA Network, panalo sa pulso ng mga Pilipino pagdating sa pagbabalita

By Jimboy Napoles

Hinirang bilang most trusted news organization sa Pilipinas ang GMA Network para sa taong 2021 ng Reuters at Oxford University.

Lumabas sa pag-aaral ng dalawang international institutions na ang GMA ang mas pinagkakatiwalaan ng mga Pilipino pagdating sa paghahatid ng mga balita at impormasyon.

Nanguna sa listahan ng mga news organization sa bansa ang GMA sa 2021 Reuters Institute Digital News Report kung saan nakakuha ito ng 74 percent trust score na higit na mas mataas ng limang porsyento sa Manila Bulletin na mayroong 69 percent.

Nasa hiwalay, at ikaanim na puwesto naman ang flagship AM station ng GMA na Super Radyo DZBB na nakakuha ng 65 percent.

Asahan naman na ang GMA ay patuloy na magiging tapat na news source sa bansa na nagbibigay ng mabilis at maaasahang pagbabalita sa iba't ibang digital platforms kabilang ang TV, radio, at social media.

Itutulay ang mga impormasyon hindi lamang sa mga Pinoy dito sa bansa kung hindi pati na rin sa mga Pilipinong nasa abroad.

Ang pagkilala na ito ay patunay na ang inyong puwersa ng katotohanan ay patuloy na pinagkakatiwalaan mula noon hanggang ngayon.

Para sa iba pang mga maiinit na balita, ugaliing bisitahin ang www.gmanetwork.com.

Samantala, alamin naman ang mga bagong Kapuso shows na magsisimula na ngayong summer sa gallery na ito.