Showbiz News

Herlene 'Hipon Girl' Budol, makakatanggap ng tulong mula kay Karen Davila

By Marah Ruiz

Masaya si Herlene "Hipon Girl" Budol dahil pumatok ang kanyang interview sa vlog ng broadcast journalist na si Karen Davila.

Dito unang nabanggit ni Herlene ang plano niyang paglahok sa Binibining Pilipinas 2022 pageant.


"Aliw na aliw sa akin si Miss Karen Davilla sa pag-interview sa aking pagiging Squammy approach ko. Sa kanya ako nag unang chika na sasali ako ng Binibining Pilipinas at nag trending yung content namin ng 1.5M views. Salamat kay Manager Wilbert Tolentino sa pag dala sa amin ni Madam inutz at pinakilala kami kay Miss Karen," sulat ni Herlene sa kanyang Instagram kalakip ang litrano nila ni Karen.


Tila na-touch at na-inspire naman si Karen sa usapan nila kaya nangako ito na tutulong sa aktres.

Isa kasi sa mga napag-usapan nila ay ang planong paglipat ng bahay ni Herlene. Hindi kasi sila ang may-ari ng bahay na tinitirahan nila sa kasalukyan.

Bilang tulong sa paghahanap ni Herlene ng bagong bahay para sa kanyang pamilya, ibibigay ni Karen sa kanya ang kikitain ng kanilang trending video.

"It's so easy to love you,Herlene, kasi napakabuti ng puso mo. God will reward your faithfulness and love for your family! I am here for you hoping kahit papaano makatulong ang proceeds ng vlog sa plano mong lilipatan," sulat ng broadcast journalist sa comment section ng post ni Herlene.

Sa ngayon, iniintay pa rin ni Herlene ang resulta ng kanyang application sa Binibining Pilipinas 2022.

Silipin ang kanyang paghahanda para sa pageant sa gallery na ito: