Showbiz News

Huwag palampasin ang press conference ng 'Binoy Henyo' on July 15!


Paparating na ang pinakabagong child wonder na siguradong kagigiliwan ng lahat ng mga manonood - si Binoy! Kilalanin siya at ang kanyang inang si Agnes sa latest TV offering ng Kapuso network, ang Binoy Henyo, simula July 22.

Magsisimula ang kuwento ng Binoy Henyo sa pag-iibigan nina Agnes, played by Sheena Halili, at Francis, played by Luis Alandy. Magbubunga ang kanilang pagmamahalan, ngunit bago pa ito malaman ni Francis ay babalik siya ng Maynila dahil sa inang may sakit. Itatakwil naman si Agnes ng kanyang ama kaya susundan niya si Francis sa Maynila. Dito na makikipagsapalaran si Agnes habang inaalagaan ang anak niyang si Binoy.

Lalaki si Binoy na may kakaibang katalinuhan at sa murang edad nito ay matalas na ang kanyang pag-iisip. Malawak ang kanyang imahinasyon, at madalas siyang magbutingting ng mga gamit at lumikha ng iba't ibang inventions.

Magtatagpo pa kaya ang landas nina Agnes at Francis? Makikilala kaya ni Binoy ang kanyang ama? At ano ang mga nag-aantay na adventures para sa ating bida?

To know more about Binoy Henyo and its cast of characters, watch its press conference via livestreaming on Monday, July 15, 2013 at 7:00 p.m. Log on to GMANetwork.com/livestreaming to witness this exclusive event.