Showbiz News

Sparkada artists, excited na sumabak sa kanilang unang media interview

By Aimee Anoc

Excited nang maghatid ng saya at inspirasyon ang pinakabagong barkada ng Sparkle GMA Artist Center, ang Sparkada.

Ngayong Martes, April 19, sumabak na ang Sparkada sa kanilang kauna-unahang media interview. Ang 17 aspiring young stars na ito ay handpicked ng acclaimed star maker na si Mr. M.

"Of course, mayroon 'yang mga auditions. Little by little makikita mo, maa-appreciate mo ang special qualities nila lalo na 'yung sinasabi kong 'x factor,'" paglalarawan ni Mr. M sa Sparkada.

Hindi naman nakadalo sa kanilang media interview si Saviour Ramos dahil kasalukuyan itong nasa lock-in taping para sa upcoming miniseries na Raya Sirena.

Sa pagharap sa media, sinagot ng 16 artists ang unang tanong na inihanda sa kanila, "How did you feel when you found out that you'll be part of Sparkada and ano sa tingin ninyo ang nakita nila Mr. M and all the executives of Sparkle para mapasa kayo sa Sparkada?"

Masaya at puno ng pasasalamat ang 16 artists sa oportunidad na ibinigay sa kanila ng GMA na mapabilang sa Sparkada.

"Sa totoo lang po naa-amaze pa rin po ako. Hindi ko rin in-expect na makakapunta ako rito. And sobrang thank you talaga kay Mr. M, especially na-handpicked niya ako. Siguro may nakita siyang isang bagay na hindi ko nakikita sa akin. Maraming marami pong salamat," sabi ni Sparkada Kim Perez.

Ayon naman kay Dilek Montemayor, mas na-inspire siya dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya ng Sparkle. "Ako po sobrang saya, sobrang thankful kasi nagtiwala po sila sa akin."

"Ako naman po I feel very honored and at the same time pressured. Pero it's a good pressure naman po kasi may nakita si Mr. M and challenge na rin iyon sa akin na makita ko iyon sa sarili ko," sagot ni Sean Lucas.

Para kay Lauren King, masaya siya at honored kahit "medyo bata pa po ako naniwala sila sa mga kaya kong gawin."

"Grateful at thankful" din sina Michael Sager, Larkin Castor, Jeff Moses, at Cheska Fausto na ma-handpick ni Mr. M at mapabilang sa Sparkada.

"It feels amazing. I still feel overwhelmed. I feel really grateful kasi I know there's a reason why I was chosen to be part of Sparkada. It is actually my motivation to work hard everyday," sabi ni Tanya Ramos.

Kilig daw ang unang naramdaman ni Roxie Smith nang malamang kabilang siya sa Sparkada. Aniya, "Hanggang ngayon ramdam ko pa rin 'yung kilig."

"I was really shocked. I wasn't expecting to be picked by Mr. M's team. Words really can't express how thankful I am," pasasalamat ni Raheel Bhyria.

"I'm very grateful where I am today and I'm so lucky to be part of Sparkada. Syempre everything that Mr. M and his team, Sparkle Artist Center, turns to gold so I'm so excited for the future and really thankful for everybody," sabi naman ni Caitlyn Steve.

Nagpapasalamat din si Widows' Web actor Anjay Anson na nakitaan siya ng potensyal ni Mr. M. "Ako sobrang saya na nakilala ko itong mga ito. Sobrang thankful and sobrang blessed kasi nakakita sa akin si Mr. M ng something and 'yun 'yung motivation ko to work harder every single day."

Hiling naman ni Vanessa Peña na makita rin ng Kapuso viewers ang nakita sa kanila ni Mr. M at ng management. Aniya, "Sa tingin ko po ang nakita ni Mr. M kasi po magkakasama kami sa workshops, nakita nila kung paano kami magtulungan, kung paano namin i-cheer ang isa't isa lalong-lalo na kapag kinakabahan."

"I was very emotional at that moment. Nakaka-proud sa sarili. 'Yung best part doon nu'ng makita ko 'yung mom ko na sobrang proud sa akin. It's a dream come true po," sabi ni Vince Maristela.

"I feel very grateful po kasi we get to learn and grow together through this journey and everyone has been working hard as of this moment at finally we're all together," pagbabahagi ni Kirsten Gonzales.

Samantala, mas kilalanin pa ang Sparkada artists sa gallery na ito: