
Kabilang si Larkin Castor sa pinakabagong youth-oriented group ng Kapuso Network na Sparkada.
Ipinakilala ang 16 boys and girls ng Sparkada sa ilang miyembro ng press sa ginanap na media conference noong Martes (April 19).
Sa event na ito, ibinahagi ni Larkin kung sino ang gusto niyang maka-collaborate sa pagkanta bilang siya ay mahilig sa musika at marunong maggitara.
“Actually po, ang gusto kong maka-collab[orate] sina Jeff [Moses], sina Saviour [Ramos], 'yung mga kasama ko rito sa Sparkada kasi magagaling silang kumanta and matagal na rin po naming gustong gumawa ng covers ng mga kanta,” sagot niya.
Nang tanungin naman ang young actor kung sino ang haharanahin nito, ito raw ay ang Sparkada girls.
Puno rin ng pasasalamat si Larkin nang mapabilang sa Sparkada at nagpasalamat rin siya sa renowned starmaker na si Johnny “Mr. M” Manahan.
Aniya, “I'm so grateful and blessed na napili po ako sa isa sa mga ilo-launch kasama 'yung Sparkada. And I want to say thank you po kay Mr. M kasi nakitaan niya ako ng potensyal na deserve ko 'to na ma-launch kasama 'yung mga taong ito na magagaling at mahuhusay.”
Bukod kay Larkin, kabilang din sa Sparkada sina Saviour Ramos, Jeff Moses, Kim Perez, Raheel Bhyria, Vince Maristela, Michael Sager, Sean Lucas, Anjay Anson, Roxie Smith, Cheska Fausto, Caitlyn Stave, Vanessa Peña, Kirsten Gonzales, Tanya Ramos, Dilek Montemayor, at Lauren King.
Kilalanin ang mga miyembro ng Sparkada sa gallery na ito.