
Isa sa fastest-rising star ng Sparkle ang former Kapamilya na si Zonia Mejia.
Matapos lumipat noong 2018 at naging parte ng GMA-7, sunod-sunod na ang malalaking break para sa mestiza actress.
Napanood siya kasama ng ka-love team niya na si Jamir Zabarte sa primetime series na Heartful Café (2021) at napili rin silang dalawa na makasama sa cast ng upcoming primetime sitcom na Jose and Maria's Bonggang Villa na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Sa panayam ng Kapuso actress sa GMANetwork.com, ngayong Martes ng hapon, April 26, inalala nito ang panahon na pinag-iisipan niya kung pipirma siya at magiging isang Sparkle artist.
Pagbabalik-tanaw niya, “It was really a tough decision, hindi siya mabilisang, 'Ah, sige lilipat na ako.'
“Kasi noong time na 'yun na-lost po ako sa Star Magic noong year po na 'yun and after ng ilang months may nag-o-offer sa akin sa GMA and sobra ko po talagang pinagdasal. 'Yun lang po talaga, ipinagdasal ko po ng sobra pati 'yung family ko.
“Kung ano 'yung right decision na gagawin, kung tama ba 'yung paglipat ko, kasi hindi ko rin po talaga alam e, kung ano ang mangyayari 'di ba.”
Pagpapatuloy niya, “And I'm really happy na ginabayan po talaga ako ni Lord na mapunta talaga ako sa ganitong decision and nandiyan din 'yung family ko to support me, to help me and to guide me.
“And siyempre 'yung GMA, 'yung Sparkle--'yung team po namin to guide me as well and help me. And hindi siya madali, hindi siya instant ['yung fame] na makukuha mo din talaga [agad]. Na-realize ko na I have to work hard talaga, really work hard sa workshops, sa sarili ko [and sa] personal development ko.”
Marami rin daw siya natutunan sa legendary starmaker na si Mr. M o Johnny Manahan.
Ayon sa kaniya, “Si Mr. M nakasama ko na rin siya sa kabilang network and now na nandito siya sa Sparkle, sa GMA. I'm very happy, dahil hanggang ngayon hindi niya ako nakakalimutan.
“And sobrang laking bagay na naturo niya sa akin, personally na huwag ako mawalan ng pag-asa.
“I just have to trust myself, magtiwala na kaya ko 'to e. Binigyan ako ng malaking opportunity, kasi nagtitiwala siya sa akin.”
Isinasapuso rin ni Zonia ang paalala sa kanila palagi ni Mr. M. Kuwento niya, “Hindi po ma-vocal sa words si Mr. M, pero alam ko 'yung care and 'yung pagmamahal niya sa aming mga artists niya is nandoon.
“Kasi lagi niya kami nire-remind na kailangan maayos kami always. Presentable kami always, ganiyan. And we look good always and hindi siya masamang bagay.
“Nai-inspire pa ako to be a better actor, a better actress [and] a better person na mas gawin ko pa 'yung best ko palagi kapag lalabas ako, kapag makita ako ng mga tao,” pagtatapos ng aktres.
Samantala, silipin ang mga dating Kapamilya artists na ngayon ay proud Kapuso na sa gallery below.